Babala:
Ang inyong mababasa sa ibaba ay maselan sapagkat malalaman ninyo ang isang sekreto ng taong nagsulat nito na nag-iisip na tulad sa isang bata ngunit siya ay hindi isip-bata!
Tama ang inyong nabasa sa paunang salita na aking isinulat.
Ang isang guro na tulad ko ay hindi dapat nagsasabi ng mga sekreto sa publiko lalo na kung ito ay may kinalaman sa personal na buhay. Ngunit para sa isang taong nag-iisip na tulad ng isang bata, ang pagsulat niya nito ay parang isang kuwentong pambata na mayroong aral na mapupulot.

Sa totoo lang (wala pa akong pinagsasabihan nito), maliban sa Peter Pan, ang paborito kong panuorin ngayon sa telebisyon ay ang “Spongebob Squarepants”.
Oo, tama ang inyong iniisip na pambata ang palabas na ito!
Alam ko rin na dapat sa isang guro na katulad ko, ang mga pinapanood ay Discovery Chanel, HBO, National Geographic, Travel and Living at mga balitang nasyonal at lokal na kung saan maraming bagay ang mapupulot na maaring maibahagi sa mga estudiyante.
Bakit nga ba nabighani ako sa palabas na ito? (hindi ako nag-eendorse ng palabas sa telebisyon sapagkat wala naman akong makukuha dito. Isa pa, hindi naman ako artista, kahit pa nga maraming nagsasabi na artistahin daw ako. Ang komontra ay insecure!)
Nais kong ikuwento ang isang tagpo sa buhay ni Spongebob, na siyang tumatak sa aking isip.
Isang araw, sa ilalim ng dagat na tinatawag na Bikini Bottom, pinag-aaway ng mga ibang lamang dagat sina Spongebob at si Patrick. Sa mga hindi nakakaalam, si Patrick ang matalik na kaibigan ni Spongebob. Siya ay isang pink na Starfish. Ang pagkakaibigan nitong dalawa, ay parang kape at pandesal sa umaga na hindi maaring paghiwalayin sapagkat kung magkaganuon ay magkakatotoo ang kasabihan na maghahalo ang balat sa tinalupan. Pinag-aaway ang dalawa para mawasak ang tambalang pink na starfish at dilaw na sponge. Para mapaghiwalay sila, sinulsolan ang bawat isa, siniraan at pinalabas na lahat ng mga masasamang bagay na narinig ay nagmula sa kaibigan.
Isang araw, pinagharap ang dalawa sa isang boxing ring. Dito sila nagbugbogan, nagkasakitan, naglabasan ng sama ng loob, nagpalitan ng mga maaanghang na salita, nagpagalingan kung sino ang tunay na malakas at dito rin nila wawasakin ang pagkakaibigan dahil sa mga sutsot ng iba.
Sa katagalan ng kanilang pagrarambolan at pagsisiraan, napagod sila. Nakita nilang gula-gulanit na ang kanilang mga damit at pati ang kanilang suot na salawal ay nawasak na din.
Nang wala na silang damit at salawal, ang tumambad sa kanila ay ang halos hubo’t hubad na nilang mga sarili at nakita nila na ang suot na brief ni Spongebob ay kulay pink (ang kukay ni Patrick), at ang suot naman na brief ni Patrick ay kulay dilaw (ito naman ang kulay ni Spongebob).
Sa iyong palagay, sa huling tagpong ito, ano kaya ang natanto ng dalawa?
Siyempre, nalaman nila na ang bawat isa ay nagpapahalaga parin sa kanilang pagkakaibigan. Dito rin nila nalaman na sila nga ay tunay na magkaibigan, na kahit anong mangyari walang sinuman ang maaring sumira sa kanilang pagkakaibigan.
Ano ngayon ang punto ko dito?
Simple lang!
Ang tunay na kaibigan ay isang yamang tulad ng isang mamahaling hiyas.
Ang tunay na kaibigan ay mahirap hanapin at kailangang pahalagahan at pangalagaan.
Kung lahat ng mga tao ay katulad nina Patrick at Spongebob na naniniwala na sagrado ang pagkakaibigan, ang mundong ito ay magiging isang tunay na paraisong kaysarap tirahan.

Sa lahat ng mga matatalik kong kaibigan (bestfriends) at sa aking mga kaibigan, mahal ko kayo at mahalaga kayo sa akin. Salamat sa pagkakaibigan.
Maligayang Bagong Taon! Nawa’y mas tumatag pa ang ating pagkakaibigan!