Malamig ang pasko,
ang pasko’y malamig…
Paano ako magsasaya
kung inagaw ang kinang ng tala
dito sa madilim na sulok ng aking pag-iisa?
Malamig ang pasko
ang pasko’y malamig…
Paano ako ngingiti
kung ang mapanghalina mong labi
ang siyang naaalala
dito sa aking pangungulila?
Malamig ang pasko
ang pasko’y malamig…
Paano ako matutuwa
kung sa bawat kindat nitong mga bobilya
mga mapupungay mong mata
ang siyang tanging nakikita?
Malamig ang pasko
ang pasko’y malamig…
Paano ko ipagdiriwang araw na ito
kung ang kaulayaw ko ay anino mo
sapagkat tayo’y langit at lupa,
tubig at langis na sinumpa
O sadya lang na pinaglaruan ng tadhana.
Malamig ang pasko
ang pasko ko’y malamig.
ang pasko’y malamig…
Paano ako magsasaya
kung inagaw ang kinang ng tala
dito sa madilim na sulok ng aking pag-iisa?
Malamig ang pasko
ang pasko’y malamig…
Paano ako ngingiti
kung ang mapanghalina mong labi
ang siyang naaalala
dito sa aking pangungulila?
Malamig ang pasko
ang pasko’y malamig…
Paano ako matutuwa
kung sa bawat kindat nitong mga bobilya
mga mapupungay mong mata
ang siyang tanging nakikita?
Malamig ang pasko
ang pasko’y malamig…
Paano ko ipagdiriwang araw na ito
kung ang kaulayaw ko ay anino mo
sapagkat tayo’y langit at lupa,
tubig at langis na sinumpa
O sadya lang na pinaglaruan ng tadhana.
Malamig ang pasko
ang pasko ko’y malamig.
No comments:
Post a Comment