Friday, October 2, 2009

Tula ng Isang Kaibigan



Bakit kaya mahirap maghabi ng tula
Kapag ganitong ayaw sumulat ang pluma
At ayaw maglakbay nitong abang diwa
Upang maglaro sa pantasya?

Marahil may bahagi nitong aking pagkatao
Na pilit hinahagilap ang kasagutan
Sa mga “bakit” na sa aki’y ibinato
Ng tadhanang ako ang napiling paglaruan.

Maaari rin namang na ayaw lang bumaha
Ng mga letra at metapora
O sadya lang napipi ang makata
At ‘di makapagsulat ng tula—

Ano man ang dahilan ng paghinto
Ng pag-ikot ng mundo
Iisa lang naman ang tunay at totoo
May kulang dito sa aking pagkatao

Sapagkat tayo’y pinaglayo
Sa pangarap na ating minutya’t ginusto.
Ngunit gano’n pa man batid ng ating mga puso
Na ang pagkakaibigay di maglalaho.

No comments:

Post a Comment

About Me

My photo
i'm a person who loves to do many things!