Sabi ng mga matatanda
Masama daw
ang maglaro ng apoy.
Una, dahil
masakit daw ito kung makapaso
at nagdudulot
ng sugat na hindi nahihilom
ng panahon
at ng pagkakataon.
Pangalawa,
nilalamon daw nito
Ang tahanang
binasbasan ng sagradong tubig.
Pangatlo, tinutupok
rin daw nito ang lubid
na itinali
ng langit.
At ang
panghuli ay sinusunog at inaabo nito
Ang puso at
pagkatao
ng mga
batang wala pang muwang sa mundo.
Minsan isang
gabing nagtago ang buwan,
pati na ang
mga bituin sa kalangitan
narinig kong
umalingawngaw ang boses ni inay
habang nakalugmok
siya sa sahig at luhaan
sinasambit
niya kay itay ang tanong na:
“Bakit ka
naglaro ng apoy?”
Gumuho ang
aking mundo sa aking narinig
sapagkat
naramdaman kong
unti-unti
nang dinidilaan ng apoy
ang aming
tahanan.
-Owen L. del Castillo-
-Owen L. del Castillo-
No comments:
Post a Comment