(salamat sa akdang “An Elegy of the Silent Witness” ni Fr. Vlad)
Nang nabasa’t napakinggan ko ang iyong elehiya,
tila punyal itong tumarak sa aking puso
sapagkat nadama ko ang sakit, ang hapdi, at ang kirot
ng mga damdaming nagpupumiglas
at gustong isambulat ang hapis na dinaranas.
Nang nabasa’t napakinggan ko ang iyong elehiya,
nagulantang ang aking espiritu
at kinilabutan ang aking pagkatao
sapagkat malinaw kong natanto
ang isang katotohanan:
Na sa ating kontemporaryong panahon,
buhay na buhay pa din ang Concentration Camp!
Marami ang nakakulong sa rehas ng kamangmangan
at marami ang nakagapos sa kahirapan.
Nag-aapoy at umuusok pa din ang mga gas chambers
ng pagkamakasarili at pagkagahaman sa salapi
na siyang kumikitil sa buhay at ikinabubuhay ng mga api.
Umaalingasaw pa din ang masangsang na amoy
sa mga bodega na kung saan itinambak ang
mga labi ng mga biktima ng karahasan
at ng mga pinagkaitan ng katarungan.
Maririnig mo pa din ang mga hiyaw at sigaw
ng mga nagdaralita’t naghihinagpis.
Nanunuot pa din sa laman
at tumatagos pati sa buto ang lamig
ng pagkadismaya sa abang kalagayan ng ating lipunan.
Nang nabasa’t napakinggan ko ang iyong elehiya,
Nabagabag ang aking konsensiya
at bigla akong napatanong sa aking sarili:
Magsasawalang bahala na lang ba ako
at habang buhay na maging piping saksi?

___________________________________________________
pagpapaliwanag:
Ang tulang nabasa ay naisulat dahil sa inspirasyong nakuha ng awtor mula sa akdang "An Elegy of the Silent Witness" ni Fr. Vladimir Echalas, SOLT.