Bakit kaya mahirap maghabi ng tula
Kapag ganitong ayaw sumulat ang pluma
At ayaw maglakbay nitong abang diwa
Upang maglaro sa pantasya?
Marahil may bahagi nitong aking pagkatao
Na pilit hinahagilap ang kasagutan
Sa mga “bakit” na sa aki’y ibinato
Ng tadhanang ako ang napiling paglaruan.
Maaari rin namang na ayaw lang bumaha
Ng mga letra at metapora
O sadya lang napipi ang makata
At ‘di makapagsulat ng tula—
Ano man ang dahilan ng paghinto
Ng pag-ikot ng mundo
Iisa lang naman ang tunay at totoo
May kulang dito sa aking pagkatao
Sapagkat tayo’y pinaglayo
Sa pangarap na ating minutya’t ginusto.
Ngunit gano’n pa man batid ng ating mga puso
Na ang pagkakaibigay di maglalaho.
Insomya is a literary blog which aims to promote Bikol Literature and Bikol Culture, serve as a voice to tell the world the great love of God for human beings through poetry, short stories, reflections and essays, be the voice of the voiceless, be a source of inspiration to the down-hearted and be the catalyst of change in this broken world.
Showing posts with label poetry. Show all posts
Showing posts with label poetry. Show all posts
Saturday, September 12, 2009
Tulad ni Jonathan
(Salamat kay Richard Bach)
Kung ang aking pangarap ay langit
at langit ang pangarap
aabutin ko ito kahit pa mahirap.
Mabagal mang umusad ang araw
maghihintay akong di mamanglaw
‘pagkat tulad ni Jonathan, ang bukas ay tanaw.
Mabigo man ako sa aking sa‘king pinaglalaban
mabubuhay akong patuloy na lalaban
hanggang sa’king kamatayan.
Kung dumatal man ang panahon
na mag-isang lilipad tungo sa’king layon
magpapakatatag ako’t haharapin ang hamon.
Sapagkat tulad ni Jonathan
ako’y naniniwalang ang pangarap ay yaman
at marapat lamang na paghirapan.
Kung ang aking pangarap ay langit
at langit ang pangarap
magsisikap ako nang ito ay matupad.
Kung ang aking pangarap ay langit
at langit ang pangarap
aabutin ko ito kahit pa mahirap.
Mabagal mang umusad ang araw
maghihintay akong di mamanglaw
‘pagkat tulad ni Jonathan, ang bukas ay tanaw.
Mabigo man ako sa aking sa‘king pinaglalaban
mabubuhay akong patuloy na lalaban
hanggang sa’king kamatayan.
Kung dumatal man ang panahon
na mag-isang lilipad tungo sa’king layon
magpapakatatag ako’t haharapin ang hamon.
Sapagkat tulad ni Jonathan
ako’y naniniwalang ang pangarap ay yaman
at marapat lamang na paghirapan.
Kung ang aking pangarap ay langit
at langit ang pangarap
magsisikap ako nang ito ay matupad.
Subscribe to:
Comments (Atom)