Saturday, May 19, 2012

Apoy

















Sabi ng mga matatanda
Masama daw ang maglaro ng apoy.
Una, dahil masakit daw ito kung makapaso
at nagdudulot ng sugat na hindi nahihilom
ng panahon at ng pagkakataon.
Pangalawa, nilalamon daw nito
Ang tahanang binasbasan ng sagradong tubig.
Pangatlo, tinutupok rin daw nito ang lubid
na itinali ng langit.
At ang panghuli ay sinusunog at inaabo nito
Ang puso at pagkatao
ng mga batang wala pang muwang sa mundo.

Minsan isang gabing nagtago ang buwan,
pati na ang mga bituin sa kalangitan
narinig kong umalingawngaw ang boses ni inay
habang nakalugmok siya sa sahig at luhaan
sinasambit niya kay itay ang tanong na:
“Bakit ka naglaro ng apoy?”
Gumuho ang aking mundo sa aking narinig
sapagkat naramdaman kong
unti-unti nang dinidilaan ng apoy
ang aming tahanan.

-Owen L. del Castillo-

El Niño


 















May sarong masetas
na nakatanom sa daga
na nakalaag sa pinaalang,
hinurma asin niluto na laboy.

Sa sadit na kinaban na idto
siya nabuhay asin nabubuhay.
Minsan duminatong an labi-labing tag-init.
Nagdara ini ki dakulang pagbabago
Sa saiyang ginhawa.
 
Dikit-dikit na naluyos an saiyang mga burak,
An mga dahon naalang,
Asin an saiyang lawas natitian ki duga
Hasta sa ini nag-urubak asin nagbarakbak.

Dai siyang naginibo huli ta siya
Saro sanang masetas.
Kaya minsan, nagtingkalag siya sa kahiwasan
Asin nahiling niya duman
na anyil an kolor kan kalangitan.


-Owen del Castillo-

Friday, April 22, 2011

Isang Personal na Pagninilay Sa Unang Wika ni Hesus Bago Siya Mamatay sa Krus

Ang Unang Wika:

“Ama, patawarin mo sila; sapagka’t hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”

-Lukas 23:34-

Isa sa mga bagay na lubha akong nagpapasalamat sa Diyos ay ang pagregalo niya sa akin ng kakayahang makinig sa ibang tao, pakikikinig na hindi lang gamit ang mga taenga kundi ang puso. Totoo, nakakapagod ang makinig lalo na kung ang pinapakinggan mo ay mga bagay na nakakabagot, nakakasawa at nakakapagod na pakinggan: mga problema ng ibang tao, mga kapalpakang ginawa nila sa kanilang buhay, mga desisyong hindi pinag-iisipan, mga utang na hindi mabayaran, mga hinanakit sa mga magulang, sa mga kaibigan at sa buhay at paulit-ulit na mga kuwentong walang katapusan.

Nagpapasalamat ako sa Diyos sa regalong ito sapagkat nakatulong akong mapagaan ang kanilang kalooban sa pamamagitan ng pakikinig na walang halong paghusga. Higit sa lahat, nakapagbigay ako ng kaunting pagpapaunawa tungkol sa kanilang suliranin. Sa pakikinig ko sa mga taong nagbabahagi sa akin, napagtanto ko na madalas nagdedisisyon tayong tao na hindi utak ang ginagamit kundi ang damdamin. Kung kaya, madalas na mali ang desisyon natin, madalas pinagsisisihan natin ang ating mga aksyon at madalas rin nawawala tayo sa ating mga sarili o hindi natin alam ang ating mga ginagawa. Hindi nakakapagtaka na malimit tayong mahulog sa bitag ng pagkakasala dahil sa maling desisyon.

Lahat ng bagay na ating ginagawa ay produkto ng ating desisyon. Mahalaga na pinag-iisipan natin ang lahat ng ating desisyon hindi lang isa, dalawa o makatatlong ulit kundi hanggang sa handa na tayong harapin kung ano man ang maging kalabasan ng ating desisyon at sigurado tayong tama ang gagawin natin.

Kapag desisyon na ang pinag-uusapan, madalas kong marinig sa iba kung mga kaibigan o sa kakilala long tao ang mga katagang “sige lang, ayos lang yan, ang importante masaya ka sa desisyon mo” o minsan may ibang version ang katagang ito at ito ay ang “kung saan ka magiging Masaya.” Kapag naririnig ko ang mga salitang ito agad akong napapaisip na ang desisyon ay hindi lang kung saan ang isang tao magiging masaya kundi kung saan ka magiging totoong masaya. Ano ang ibig kong sabihin dito? Para sa akin dalawa ang uri ng kasiyahan. Ang una ay ang mababaw na uri na kasiyahan na tatawaging kung “Makasariling kasiyahan”. Ito ay nangangahulugang ginawa mo ang isang bagay dahil dito ka magiging masaya kahit alam mong mali ang iyong ginagawa. Halimbawa, may gusto kang isang damit sa mall alam mong magiging masaya ka kapag napasaiyo ang damit na iyon. Ngunit wala kang perang pambili, kaya ang ginawa mo nangupit ka o nagnakaw o ipinambayad mo ang perang hindi naman sa iyo o perang galing sa masama para lang makuha mo ang damit na iyon sa mall. Ang pangalawa naman ay ang “Totoong Kasiyahan”. Ito naman ay tungkol sa desisyon mong maging masaya at gawin ang tama kahit alam mong magsasakripisyo ka o mahirap itong gawin. Gamitin nating halimbawa ang tungkol sa damit sa mall na nasabi ko sa itaas. Para sa totoong kasiyahan, kung alam mong wala kang pera o alam mong masama ang magnakaw, magdedisisyon kang gawin kung ano ang tama kahit alam mong magsasakripisyo ka at ito ay ang huwag nang hangaring mapasaiyo pa ang damit. Magiging masaya ka at makukuntento sa kung ano ang meron ka.

Sa makatuwid, para masunod natin ang kalooban ng ating Panginoon ay mahalagang pag-isipan muna natin ang lahat ng bagay bago natin ito gawin. Pangalawa, alamin natin kung magiging masaya din ba ang Panginoon sa bagay na napagdesisyonan natin. Pangatlo at ang pinakamahalaga sa lahat ay manalangin tayo bago magdesisyon. Mahalagang humingi tayo sa Panginoon ng tulong para makapagdesisyon tayo nang maayos at tama. Hindi rason ang mga salitang “sapagkat ako’y tao lamang” sa kadahilanang binigyan tayo ng Panginoon ng isip at kalooban para ito ang gagamitin natin upang makapagdesisyon nang maayos at nang sa gayon din lahat ng ating ginagawa ay para sa ikakapuri ng Panginoon.


sinulat ni

Owen L. del Castillo

Monday, April 5, 2010


Kandila

Siring sa pagturo
Kan saimong mga luha
Kun ika may laad
an pagbulos kan samuyang
mga namamatean
huli ta haloy na naging malipot
an pagkamoot,
Dai midbid an palibot,
daing simbag an mga hapot.

Siring kan maluway na pagkagadan
kan saimong sadiri
tanganing magtaong liwanag
iyon man an pagkagadan
kan mga kulog sa boot,
kan mga gawing maraot,
kan maluyang pagsabot,
asin kan sadit na pagtubod.

Ngonian, dawa mawara an saimong laad
alagad an winalat mong liwanag
mapadagos sa samuyang daghan
masirbi inng ilaw sa samuyangpagbaklay digdi sa kinaban.

Kaibigan

Kaibigan

Sa oras ng aking pag-iisa
Ikaw ang siyang kasama,

Sa panahon ng pagdaramdam
Ikaw ang siyang nilalapitan,

Sa mga sandaling ako’y nalilito
Ikaw ang nagsisilbing guro,

Sa mga araw na ako’y natatakot
Ikaw ang nagpapalakas ng aking loob—

Kaya nga ang turing ko sa’yo
Aking kaibigang totoo.

Friendship Bond


Thursday, February 4, 2010

Tanong at Sagot

Bakit mayroong tanong?

Sapagkat ang tanong ay may sagot.

Ngunit paano kung ang tanong ay walang sagot?

Para itong sakit na walang lunas—
nakamamatay.

Paano naman kung ang tanong ay may sagot?

Para itong sinapupunan—
lumuluwal ng buhay.

Saturday, January 2, 2010

Ang dilaw na aral na aking napulot mula kay Spongebob


Babala:

Ang inyong mababasa sa ibaba ay maselan sapagkat malalaman ninyo ang isang sekreto ng taong nagsulat nito na nag-iisip na tulad sa isang bata ngunit siya ay hindi isip-bata!

Tama ang inyong nabasa sa paunang salita na aking isinulat.

Ang isang guro na tulad ko ay hindi dapat nagsasabi ng mga sekreto sa publiko lalo na kung ito ay may kinalaman sa personal na buhay. Ngunit para sa isang taong nag-iisip na tulad ng isang bata, ang pagsulat niya nito ay parang isang kuwentong pambata na mayroong aral na mapupulot.


Sa totoo lang (wala pa akong pinagsasabihan nito), maliban sa Peter Pan, ang paborito kong panuorin ngayon sa telebisyon ay ang “Spongebob Squarepants”.

Oo, tama ang inyong iniisip na pambata ang palabas na ito!

Alam ko rin na dapat sa isang guro na katulad ko, ang mga pinapanood ay Discovery Chanel, HBO, National Geographic, Travel and Living at mga balitang nasyonal at lokal na kung saan maraming bagay ang mapupulot na maaring maibahagi sa mga estudiyante.

Bakit nga ba nabighani ako sa palabas na ito? (hindi ako nag-eendorse ng palabas sa telebisyon sapagkat wala naman akong makukuha dito. Isa pa, hindi naman ako artista, kahit pa nga maraming nagsasabi na artistahin daw ako. Ang komontra ay insecure!)

Nais kong ikuwento ang isang tagpo sa buhay ni Spongebob, na siyang tumatak sa aking isip.


Isang araw, sa ilalim ng dagat na tinatawag na Bikini Bottom, pinag-aaway ng mga ibang lamang dagat sina Spongebob at si Patrick. Sa mga hindi nakakaalam, si Patrick ang matalik na kaibigan ni Spongebob. Siya ay isang pink na Starfish. Ang pagkakaibigan nitong dalawa, ay parang kape at pandesal sa umaga na hindi maaring paghiwalayin sapagkat kung magkaganuon ay magkakatotoo ang kasabihan na maghahalo ang balat sa tinalupan. Pinag-aaway ang dalawa para mawasak ang tambalang pink na starfish at dilaw na sponge. Para mapaghiwalay sila, sinulsolan ang bawat isa, siniraan at pinalabas na lahat ng mga masasamang bagay na narinig ay nagmula sa kaibigan.

Isang araw, pinagharap ang dalawa sa isang boxing ring. Dito sila nagbugbogan, nagkasakitan, naglabasan ng sama ng loob, nagpalitan ng mga maaanghang na salita, nagpagalingan kung sino ang tunay na malakas at dito rin nila wawasakin ang pagkakaibigan dahil sa mga sutsot ng iba.


Sa katagalan ng kanilang pagrarambolan at pagsisiraan, napagod sila. Nakita nilang gula-gulanit na ang kanilang mga damit at pati ang kanilang suot na salawal ay nawasak na din.
Nang wala na silang damit at salawal, ang tumambad sa kanila ay ang halos hubo’t hubad na nilang mga sarili at nakita nila na ang suot na brief ni Spongebob ay kulay pink (ang kukay ni Patrick), at ang suot naman na brief ni Patrick ay kulay dilaw (ito naman ang kulay ni Spongebob).


Sa iyong palagay, sa huling tagpong ito, ano kaya ang natanto ng dalawa?


Siyempre, nalaman nila na ang bawat isa ay nagpapahalaga parin sa kanilang pagkakaibigan. Dito rin nila nalaman na sila nga ay tunay na magkaibigan, na kahit anong mangyari walang sinuman ang maaring sumira sa kanilang pagkakaibigan.
Ano ngayon ang punto ko dito?
Simple lang!


Ang tunay na kaibigan ay isang yamang tulad ng isang mamahaling hiyas.
Ang tunay na kaibigan ay mahirap hanapin at kailangang pahalagahan at pangalagaan.
Kung lahat ng mga tao ay katulad nina Patrick at Spongebob na naniniwala na sagrado ang pagkakaibigan, ang mundong ito ay magiging isang tunay na paraisong kaysarap tirahan.


Sa lahat ng mga matatalik kong kaibigan (bestfriends) at sa aking mga kaibigan, mahal ko kayo at mahalaga kayo sa akin. Salamat sa pagkakaibigan.


Maligayang Bagong Taon! Nawa’y mas tumatag pa ang ating pagkakaibigan!

Tuesday, December 8, 2009

Malamig ang Pasko, Ang Pasko'y Malamig

Malamig ang pasko,
ang pasko’y malamig…

Paano ako magsasaya
kung inagaw ang kinang ng tala
dito sa madilim na sulok ng aking pag-iisa?

Malamig ang pasko
ang pasko’y malamig…

Paano ako ngingiti
kung ang mapanghalina mong labi
ang siyang naaalala
dito sa aking pangungulila?

Malamig ang pasko
ang pasko’y malamig…

Paano ako matutuwa
kung sa bawat kindat nitong mga bobilya
mga mapupungay mong mata
ang siyang tanging nakikita?

Malamig ang pasko
ang pasko’y malamig…

Paano ko ipagdiriwang araw na ito
kung ang kaulayaw ko ay anino mo
sapagkat tayo’y langit at lupa,
tubig at langis na sinumpa
O sadya lang na pinaglaruan ng tadhana.

Malamig ang pasko
ang pasko ko’y malamig.

Santa Claus

Hindi totoo ang Santa Claus!
Walang Santa Claus sa mundo!

Ito ang madalas at pagalit
na sinasambit ni inay
sa tuwing mahuhuli niya kami
na nagsasabit ng medyas
sa may bintana
tuwing sasapit ang pasko.

Di ko maindihan si inay
kung kaya minsan, naglakas loob akong
nagtanong sa kanya
kung bakit hindi totoo si Santa Claus
ngunit, hindi niya ako sinagot—
nakita ko na lang na umiiyak siya
at pagalit na sinsambit
ang pangalan ni itay.

Tuesday, November 3, 2009

An Istorya Kun Tanu Maharang An Lada

Paenot na taramon:
Ang osipon (short story) na ini iyo an enot na sinurat ko sa lenguwaheng Bikol na osipon na pan-aki. Ini naging finalist sa Premio Tomas Arejola Para sa Lieraturang Biolnon 2009 para kategoryang osipon na pan-aki.
______________________________
Aldaw kaidto nin Sabado, sosog sa kinagawian kan samuyang pamilya na pag-aldaw nin Sabado, iyo an aldaw nin samuyang pagsungko sa namomotan mi asin an paborito kong Lola, si Lola Meding.
Nasa Naga an harong ni Lola, kun kaya harus tolong oras an biyahe hale sa Legazpi pasiring duman. Eksayted ako sa samuyang biyahe nin huli ta mahihiling ko na naman si Lola asin madadangog ko na naman an saiyang mga manlaen-laen na istorya arog kan adbentyur sa irarom kan dagat, mga hayop na nagtataram, mga magagayon na palasyo nin mga prinsipe asin prinsesa, asin kadakul pang iba.
Alas diyes na kami nakaabot sa harong ni Lola Meding. Pag-abot mi duman, nagbisa kami sa saiya asin pinakakan niya kami nin suman, pinuso, ibos asin pansit bato. Pagkatapos ming magkakan, duminuman sina mama asin papa sa sala tanganing maghiling nin palabas sa telebisyon mantang nagpapahingalo. Dai ako nag-iba sa sainda, duminuman ako sa kusina tanganing magmasid sa pigluluto ni Lola.
“Lola ano po an pigluluto mo?”
“Ah…nagluluto ako nin Bicol Express, ini kaya an paborito ni Papa mo,” an simbag ni Lola mantang nakangirit.
“Pwede ko po manamitan?” An inosente kong hapot sa saiya.
“Sige, alagad dikit lang Jun-Jun ta medyo maharang an,” an paliwanang niya.
Pignamitan ko an pigluluto ni Lola Meding asin sakuyang naaraman na talagang maharang palan idto.
“Lola, tanu po ta maharang an Bicol Express?” An sakuyang hapot mantang dai akong ontok sa pagpaypay kan sakuyang ngimot gamit an mga guramoy.
“Maharang an Bicol Express nin huli ta ini igwang lada,” paliwanag niya asin pinahiling sa sako an itsura kan lada. Alagad medyo nagigiolok man siya sa pagpapaypay ko kan sakuyang ngimot na nakaluwas an dila.
“Eh..tanu po maharang an lada?” An pangungulit ko ki Lola.
“May suanoy na istorya manungod sa rason kun tanu maharang an lada. Muya mong maaraman?”
“Iyo po!” An sakuyang makusog na simbag na risa an pagkaeksayted sa bagong istoryang madadangog ki Lola.
Inistorya ni Lola sa sakuya an siring:

KAN ENOT NA PANAHON, may sarong kadlagan na inaapod na Talingkas. Sinasabi na ang kadlagan na ini pig-iistaran ki sarong magayonon asin makapangyarihan na engkantada na si Esmeralda. An engkantadang ini iyo an nag-aataman kan gabos na bagay na nabubuhay duman.
Sa tahaw kan kadlagan, mahihiling an gabos na klase nin prutas. Alagad, sa gabos na prutas na nagtutubo duman sa Talingkas, an pinakaorog iyo si Lada nin huli ta siya an pinakamahamis, pinakamasiram asin pinakamagayon an kolor kun hinog na. Alagad, kun gurano si Lada kasiram, kahamis asin kagayon an kolor kun hinog na, kabaliktadan man an saiyang ugali. Siya an prutas an pinakamahambog, madaling mapikon asin an pinakamaharang magtaram manungod sa mga kaluyahan kan saiyang mga pag-iriba.
Sarong aldaw, nahiling ni Lada si Santol asin ini nagsabi:
“Hoy Santol! Aram mo daw, kadakula mong kahoy alagad an bunga mo mahalsomon. Dai kaiyan mamumuyang magkakan sa saimo,” an kantiyaw ni Lada ki Santol.
Napasupog si Santol sa tigtaram ni Lada. Aram niyang totoo an gabos na ini kun kaya dai na lang siya nagribok. Dai man siyang magiginibo dawa iwalon pa niya si Lada huli ta ini an tinao sa saiya. Nadangog asin nahiling ni Abokado an ginibong pangangantiyaw ni Lada ki Santol. Nahiling man niya na napasupog an katood kun kaya dai niya napugolan an sadiri asin sinabihan si Lada:
“Lada, tanu ta arog ka kaiyan? Bakong marhay an magtaram ki maraot sa kapwa.”
“Ay sus! Nagtaram an saru diyan, na an bunga kun hinog kaipuhan munang lagan ki asukar bago kakanun ta dai lamang kanamit-namit,” an mahambog na taramon ni Lada.
“Aram mo Lada, kun ika nabiyayaan ki kahamisan, kasiraman, asin kagayonan nin kolor kun hinog na, dai mo dapat iyan pighahambog kundi pigpapasalamat,” an malumanay na pagiromdom ni Bayawas ki Lada.
“O ika Bayawas, nata nag-intra ka man sa hororon?” An hapot ni Lada ki Bayawas.
“Lada, gabos kita digdi magturugang kun kaya dapat dai kita nag-iiriwal ta saro man sana an naggibo sa satuya. Gabos kita importante asin may sirbi sa Saiya,” an simbag ni Bayawas bilang pagkumbinse ki Lada.
“Dai na Bayawas! Ika, may korona man kuta an saimong bunga, alagad panu man nin pisog. Dai lamang matiyaga na magkakan sa saimo,” an pagbara ni Lada ki Bayawas.
“Tama na iyan Lada!” An suriyaw ni Mangga. “Lada, gabos kita digdi sa Talingkas nilalang na may kanya-kanyang siram asin itsura. Gabos kita digdi espesyal asin gabos igwa nin importansiya nin huli ta kun baku kita digdi importante dai man kita digdi mabubuhay,” paliwanag pa niya.
“Hoy Mangga! Dawa ano pa an taramon mo ako man giraray an pinakaorog sa gabos na prutas digdi sa Talingkas. Ako an pinakamahamis, an pinakamasiram asin an may pinakamagayon na kolor kun hinog na,” an mahambog na taramon ni Lada.
Dai aram kan mga prutas duman na nagdadangog si Esmeralda, an engkantadang nangangataman duman. Naisip niya na panahon na tanganing tawan nin leksyon si Lada ta maharang gabos an nagluluwas na taramon sa saiyang ngimot.
Kinaagahan, nagbisita si Esmeralda sa gabos na prutas duman.
“Marhay na aldaw po mahal na engkantada!” An maogmang taramon ninda kan nahiling si Esmeralda.
“Marhay na aldaw man!” An simbag niya. “Napadigdi ako nin huli ta muya kong maaraman nindo na nadangog ko an saindong pasuruway kasuhapon. Kun kaya, muya kong ipaaram sa saindo na gabos kamu digdi sa Talingkas importante, gabos kamu na prutas digdi masiram asin gabos pantay-pantay,” paenot na taramon niya.
“Ika Lada, dai mo pinahalagahan an balaog na tinao sa saimo. Kun biniyayaan ka man nin kahamisan, kasiraman asin kagayonan nin kolor kun hinog na, dai mo dapat iyan pinaghahambog, dapat dai mo iyan ginagamit tanganing alipustahon an iba. Kun kaya ngonian na aldaw babawion ko iyan sa saimo.”
“Pero mahal na engkantada…”
“Lada,” pagputol ni Esmeralda sa taramon ni Lada. “Muya kong mareyalisar mo an saimong mga ginigibo. Poon ngonian, dai kana mapapabilang sa mga prutas. Siring man, nin huli ta mahambog ka asin gabos maharang na taramon an minaluwas sa saimong ngimot, ika magiging maharang sa bilog mong buhay,” an makapangyarihan na sabi ni Esmeralda.
“Patawad po mahal na engkantada dai…”
An taramon na ini ni Lada dai na natapos nin huli ta nagbagong anyo na siya. An dating kahoy nagi na sanang garong masetas kasadit, an saiyang bunga nagkurupos asin nagbago man nin kolor asin an siram pati an hamis niya naribayan ki harang.
“Lola, bako po palan talaga marahay an magin mahambog asin magtaram nin maraot sa kapwa, anu po?” An sakuyang taramon ki Lola.
“Tama an Jun-Jun,” an nakangirit na taramon ni Lola sa sakuya mantang pigbubukag an pigluluto niyang Bicol Express.





Sunday, October 25, 2009

Alegorya ng Modernong Pag-ibig

Minsan, nabighani si araw kay buwan
dahil sa taglay nitong kagandahan.
Kaya naman nagnasa siyang si buwan ay ligawan
nang sa gayo’y sila’y maging magkatipan.

Minsan, nahulog ang loob ni buwan
kay araw na sadyang may kapilyohan
kaya naman, matapos ang lahat ng mga kaganapan
nanalangin siyang hindi nito iiwan
nang sa gayo’y manatili silang nasa kaluwalhatian.

Sa kasamaang palad, dumating ang minsan
at doon pareho nilang nalaman
na hindi puwedeng magsama ang araw at buwan
sapagkat magkaiba ang kanilang katauhan
at magkaiba ang mundong kanilang ginagalawan.
Kaya naman, ang isang pagmamahalan
ay nauwi na masalimoot na hiwalayan.

Saturday, October 24, 2009

Santo Tomas

“For man naturally desires happiness,
and what is naturally desired by man is naturally known by him.”
-St. Thomas Aquinas-


Pareho tayong naghahanap
Ng mga tanong at kasagutan.
Pilit hinihimay ang mga realidad
na minsan pang itinanggi ng karamihan.

Katotohanan!
Ito ang isinisigaw ng ating mga isip
at pilit na bumabagabag sa ating kabuoan,
animo’y bangungot sa ating mga panaginip.

Ito na marahil ang tinatawag na giyera,
labanan ng anino at ng liwanag
o isang paghuhukay sa mga kuwento at istorya
na minsan pang nagnais na magpaliwanag.

Ngayon, aking batid, na sa iisang bagay lang tayo nagkakaiba
ito ay ang realidad na iyo nang nakamtan
at ang realidad na akin ngayong tinatamasa –
ang paghahanap sa tunay na kaligayahan.

Sunday, October 11, 2009

Seminarista

___________________________
paenot na taramon:
___________________________

An saysay (essay) na saindong mababasa iyo an sakuyang entry asin naging finalist sa Premio Tomas Arejola Para sa Literaturang Bikolnon 2009. Boot kong iheras an sakuyang mga bagay na naguno sa seminaryo asin an mga makolor na buhay kan seminarista. Aminado akong bako na akong seminarista ngonian, alagad an puso ko magdadanay na seminaristang uragon. Maogmang pagbasa!

Salamat sa komunidad kan SOLT! mabuhay kamo asin hagad ko sa Dios na danay kamong biyayaan ki bokasyon.
_____________________________


Dise-siete an edad ko kaidto kan ako naglaog sa seminaryo sa SOLT (Society of Our Lady of the Most Holy Trinity), sarong relihiyosong kongregasyon digdi sa Bikol. An mga seminarista kan SOLT nag-aadal ki pilosopiya sa Minor (Holy Rosary Minor Seminary) duman sa Naga.
Kan ako nag-iisip pa sanang maglaog sa seminaryo, kadaklan sa sakuyang mga kabarkada an kontra sa sakuyang iniisip. Ako saindang pigdidisganar, kun kaya manlaen-laen an saindang mga sinasabi:
“Maanu ka man duman sa laog? Dai duman ki pulang kabayo, an yaon duman mompo,” an taramon kan amigo kong barumbado.
“Panu na man kaiyan an lab layf mu?” An pahayag man kan amiga kong may gusto sa sakuya.
“Tibaad makalampas ka kaiyan sa langit,” an papilosopong taramon kan amigo kong tambay.
Dinangog ko sana an gabos na mga pagtitintar na ginigibo sa sakuya kan sakuyang mga barkada—pinalaog ko sa sakuyang toong talinga asin pinaluwas sa wala. Kan kaidtong mga panahon, bakong malinaw sa sakuya an rason kun tano ta muya kong maglaog. An solamenteng puwersa na nagtutulak sa sako na maglaog iyo an sakuyang koryosidad manungod sa buhay kan mga padi.
An buhay sa seminaryo ibang-iba sa buhay sa luwas. Gabos na bagay nakaprograma, gabos nasa iskedyul, gabos organisado, asin gabos nakadepende sa tanog kan kampanilya—dawa turog ka aram mo na an masunod na gigibuhon.
Sa laog kan seminaryo ko naaraman kun panu maging disipulo ni Pilosopo Tasyo, na kaipuhan palan mag-isip, kaipuhan may saysay an pigtataram, kaipuhan magrason asin gamiton an rason sa paghanap kan katotoohan. Alagad, orog sa gabos tanganing mabunyagan ka bilang tunay na disipulo ni Tasyo sa seminaryo, kaipuhan mong magsurat ki tisis—ta kun dai, mahuhuri kang magradweyt mantang an saimong mga kairiba mamuraway na nagpapaso sa entablado tanganing risibihon an pruweba asin tanda na sinda tunay ng mga pilosopo.
Sa seminaryo ko man nanudan an magsimba aro-aldaw, an magpamahaw ki sagradong tinapay, an magpangadyi ki mga litaniya asin pamibi limang beses sa sarong aldaw, na sa pagmate ko, tutubuan na ako ki pakpak tangani na maging garong anghel o tubuan ki bilog sa payo na nagkikinang siring sa mga santo.
Nakanood man ako sa seminaryo magtaram asin magsurat ki Ingles, Ispanyol, asin Latin. Minsan dikit na Aleman, Hebreo asin Griyego dawa ngani ako sarong Bikolano. May mga beses na nagkakaigwa kami nin pasa-pasa, sarung klasi nin istratihiya sa pagtukdo. Ginagamit ini sa diskurso na kun saen matransleyt an kada estudiyante ki mga taramon o istorya na hale sa Ispanyol o Latin pasiring sa Ingles. An kada estudiyante kaipuhan na masabi an tamang simbag nin huli ta kun dai ini ipapasa niya sa masunod saiya hanggang sa makua an tamang simbag. An enot na dai makakua kan tamang simbag mahale sa saiyang tukawan tanganing itao ini sa nakasimbag, asin siya maatras ki sarong tukawan kairiba an mga daing nakasimbag. Sa istratihiyang ini, an klase binabanga sa tolong dimensiyon: an langit, lugar kan mga matatali asin matitibay sa lengguwahe. An purgatoryo, lugar kan mga nagpapamibi na dai mapaduman sa impyerno. Asin an huri, iyo an inaapod na impyerno, an lugar na hinahabuan kan kadaklan na mga seminarista nin huli ta kakalayohan ka digdi sa supog ta ika an magiging kapurit sa klase.
Siring man, napiritan ako sa seminaryong magkanta ki mga himno, mga salmo asin manlaen-laen na kansyon gamit an Gregorian Chant na dawa ngani an sakuyang boses asin istilo sa pagkanta pangbanyo sana. Dagdag pa sa mga bagay na sakuyang naguno sa seminaryo, iyo an magkawat ki basketball, soccer, lawn tennis, volleyball asin an pingpong na dati an mga kawat na aram ko iyo an tong-its, unggoy-unggoy, pusoy dos, cara y cruz asin an taratsian sa tinampo.
An debosyon ko ki Ina, Virgin de Peñafrancia, nagpoon man sa seminaryo. Nin huli ta kada bulan nin Setyembre, nag-iiba kaming mga seminarsita sa Traslacion, an pagdara ki ina sa Katedral hale sa Basilika tangani na magkanta kan Himno de Peñafrancia o minsan magpakyut sana sa mga Isabelina. Siring man, kami minasabay sa pagpamibi asin pagsuriyaw kan “Viva La Virgin!” asin “Viva El Divino Rostro!” duman sa salog kada Fluvial Procession, an solemning pagbalik ki Ina sa basilica.
Sa pagkakaigwa ko ki siring na debosyon, mas namatean ko na an dugo na nagsisirkular sa sakuyang hawak iyo an dugo nin tunay na uragon—an dugo nin Bikolano. Kun minaabot na an kafiestahan ni Ina, mahihiling mo na an bilog na Bikolandia nag-oontok sa pagpamibi asin pagpasalamat sa mga grasyang tinao asin padagos na tinatao kan Kagurangnan sa mga Bikolano sa paagi ni Ina. An sakuyang dakulang respeto sa mga babayi, an paggalang ko sa mga gurang asin an dayupot na pagkamoot ko sa sakuyang ina saro man sa mga bunga kan sakuyang pagtubod asin pagkamoot ki Ina.
Apwera sa mga bagay na sakuyang nasambit, an saro pa asin an pinakaorog sa gabos na nanudan ko sa seminaryo iyo an pagmakolog sa kapwa —an nagpabago kan sakuyang paghiling sa buhay.
Nagkaigwa ako nin siring na kaisipan kan ako nag-agi sa inaapod na exposure na kun saen tatawan kang misyon na magtabang sa mga parokya. Sa siring na bagay, dakul an sakong inagihan, nanamitan, namatean asin naekperyensiyahan arog kan pag-iba sa mag-agang vigilia para sa katoninongan huli ta daing ontok an giyera sa Mindanao na rinibo nang sibilyan an nagkakagaradan. An pagkakaigwa nin paninindugan asin ipaglaban ini tanganing gimatahon an gobyerno sa mga maraot na epekto kan pagmimina duman sa Rapu-Rapu asin iba pang parte kan Bikolandia arog kan pagkahudong kan mga sira, pagkakaigwa nin duldul kan mga nag-iisatar duman huli sa maating tubig sa dagat. Asin an dai mainom na tubig huli sa mga kemikal na nagsarumsum sa daga asin huminalo sa tubig-tabang. Nahiling ko man an iba-ibang pandok kan buhay kan mga tawong nag-eerok sa isla, an mga nasa bulod asin ang nasa sentro. Sa isla, nag-iitok an buhay sa pagsira na kun may kalamidad asin may hudong an dagat, piglulugaw an sarong tasang bagas tanganing magkasya sa bilog na pamilya. Alagad, kun dai talagang pagkabuhay, nagbibilang na sana kan mga baybay sa dagat tanganing malingawan an pungaw asin punaw. An buhay naman sa bulod, simple nin huli ta an ikinabubuhay kan kadaklan iyo an paglati. Alagad, kun may remalaso, siring na kun may naghehelang asin naghihingagdan, an pagbolong pig-aagi na lang sa hilot o santigwar nin huli ta an baryo harayo na marhay sa ospital. Siring man kun maeskwela an mga kaakian, limang kilometro muna sindang mabaklay bago makaabot sa eskwelahan, asin pag-abot duman, duwa o tolong oras na sindang huri sa klase. Sa tolong ini, an pinakaorog sa gabos iyo an buhay sa sentro, harani sa gabos arog kan simbahan, merkado, ospital, eskwelahan, lunadan, diskohan, asin lugar nin inuman na an sumsuman iyo an mga babaying nagiikol-ikol na daing gubing. An iba nabubuhay sa pangutang sa Bombay na kun dai pambayad pigsasangla an gabos pati na an buhay. Igwa man ki mga tawong mahilig magduman sa mall, minabakal ki mga bagong bado dawa kadaklan sa saindang bado pig-aalamag na sa aparador.
Ngonian, maestro na ako sa Academia de Santa Ines digdi sa Legazpi, apat na taon nang wara sa seminaryo, napiritang magluwas huli sa inaapod mi sa seminaryo na krisis—sa pamilya, sa sadiri, sa kuwarta asin pagkamoot—an mga rason kun tanu kadaklan sa mga seminarista minaluwas sa seminaryo. Kan aldaw kan sakuyang pamamaaram sa seminaryo, ginalon na luha an buminulos sa sakuyang mga mata. Gabos kami nagmundo asin gabos kami nagin saksi kan paghalon kan madiklom na panganoron sa bulan kan sakuyang pangiturogan. Kan mga aldaw na idto, garo akong sira na hinawas sa dagat asin nilaag sa baybayon—naghahalat na magdatong an uran tanganing maibalik sa dagat.
Dai ako nagbabasol sa sakuyang desisyon na magluwas sa seminaryo. Kun anu ako ngonian, kun anu an sakuyang idiolohiya, kun ano an sakuyang pinaglalaban sa buhay, ini huli ta minsan sa buhay ko, ako naging seminarista.Totoo, saro ako sa mga binunyagan na “x-men”, apod sa mga seminaristang nagluwas, alagad an puso ko magdadanay na puso kan seminaristang uragon.

Friday, October 2, 2009

Tula ng Isang Kaibigan



Bakit kaya mahirap maghabi ng tula
Kapag ganitong ayaw sumulat ang pluma
At ayaw maglakbay nitong abang diwa
Upang maglaro sa pantasya?

Marahil may bahagi nitong aking pagkatao
Na pilit hinahagilap ang kasagutan
Sa mga “bakit” na sa aki’y ibinato
Ng tadhanang ako ang napiling paglaruan.

Maaari rin namang na ayaw lang bumaha
Ng mga letra at metapora
O sadya lang napipi ang makata
At ‘di makapagsulat ng tula—

Ano man ang dahilan ng paghinto
Ng pag-ikot ng mundo
Iisa lang naman ang tunay at totoo
May kulang dito sa aking pagkatao

Sapagkat tayo’y pinaglayo
Sa pangarap na ating minutya’t ginusto.
Ngunit gano’n pa man batid ng ating mga puso
Na ang pagkakaibigay di maglalaho.

Monday, September 21, 2009

Nang Matapos Kong Basahin at Pakinggan ang Iyong Elehiya


(salamat sa akdang “An Elegy of the Silent Witness” ni Fr. Vlad)

Nang nabasa’t napakinggan ko ang iyong elehiya,
tila punyal itong tumarak sa aking puso
sapagkat nadama ko ang sakit, ang hapdi, at ang kirot
ng mga damdaming nagpupumiglas
at gustong isambulat ang hapis na dinaranas.

Nang nabasa’t napakinggan ko ang iyong elehiya,
nagulantang ang aking espiritu
at kinilabutan ang aking pagkatao
sapagkat malinaw kong natanto
ang isang katotohanan:
Na sa ating kontemporaryong panahon,
buhay na buhay pa din ang Concentration Camp!
Marami ang nakakulong sa rehas ng kamangmangan
at marami ang nakagapos sa kahirapan.
Nag-aapoy at umuusok pa din ang mga gas chambers
ng pagkamakasarili at pagkagahaman sa salapi
na siyang kumikitil sa buhay at ikinabubuhay ng mga api.
Umaalingasaw pa din ang masangsang na amoy
sa mga bodega na kung saan itinambak ang
mga labi ng mga biktima ng karahasan
at ng mga pinagkaitan ng katarungan.
Maririnig mo pa din ang mga hiyaw at sigaw
ng mga nagdaralita’t naghihinagpis.
Nanunuot pa din sa laman
at tumatagos pati sa buto ang lamig
ng pagkadismaya sa abang kalagayan ng ating lipunan.

Nang nabasa’t napakinggan ko ang iyong elehiya,
Nabagabag ang aking konsensiya
at bigla akong napatanong sa aking sarili:
Magsasawalang bahala na lang ba ako
at habang buhay na maging piping saksi?



___________________________________________________

pagpapaliwanag:


Ang tulang nabasa ay naisulat dahil sa inspirasyong nakuha ng awtor mula sa akdang "An Elegy of the Silent Witness" ni Fr. Vladimir Echalas, SOLT.




Language: a wonderful gift of God

(A reflection I made in our Language Class when I took my Methods of Teaching in Ateneo de Naga University last April 2007)

There is a branch of Philosophy that deals with the study of language and this is called as Philosophy of Language. According to this philosophy, the best way to study the beliefs, ideology and culture of a certain group of people we have to study and learn their language.
It is indeed true that language plays a vital role in the life of human. Through the use of language we are able to communicate, to exchange ideas, to understand other people and of course we are able to unfold the totality of our being. When we communicate we do not only lay down our ideology but open our being to other people.
In the discussion about language, I learned many things especially about the value of language and the proper way of using it in dealing or communicating with others. It is a reality that language is both acquired and learned. It is acquired because when we are still kids we utter words by simply hearing it from other people. On the other hand, it is also learned because language is taught in the school. I also come to realize that language is not just a tool that bridges people of different cultures, beliefs and nationalities but it lets people understand about life.
As regard to the proper way of using the language, I fully understand that language is a way for us to impart values and knowledge to our students and to other people. This can also be an avenue for us to squeeze out ideas from our students by stimulating their minds with the use of questions. Thus, language must be loved and used in a proper way. We have to be thankful to God for this wonderful gift. God must be a real genius! Because through this language we are able to communicate with Him and in the same way He is able to communicate with us through His words in the Sacred Scriptures.

“I’m In Love!”

(living love in its truest sense)

I’m in love!

Yes, I admit that I’m in love as of this moment!

And I love this feeling because it makes my world go round!

Perhaps some of you, while reading this article are wondering, and some are raising their eye brows (just to exaggerate) or maybe some are asking the question:

Why Mr. Del Castillo is telling this to the public?

Well, I have simple reasons why I am doing this:

First, I have nothing to write in this article, so let me talk about my love life (just kidding!)

Second, I believe that it would be a selfish act of mine, if I will not tell the truth that I’m in love.

Third, I would consider myself as a hypocrite if I will not admit to myself and confess that I love the feeling of being in love and being loved everyday of my life.

Human as we are, whether we admit it to ourselves or not, I know and I strongly believe that we all wanted to be loved and stay in love.
Love is the most basic need of human. The main reason why God chose us to be in this world is that He wanted us to share the happiness of loving. This is what we were created for, to love God above all things, to love our fellow humans as we love ourselves, and to love the things God created.
If I will put this in a deeper reflection, I would say that love is the reason why we don’t just exist in this world but we live.
So, let me emphasize here that there’s nothing to be ashamed of to tell other people and show to them that you care and love them, as long as it is sincere and coming from your heart. Another thing is that, it is not yet too late to fall in love (in its truest sense) and stay in love.
Before I end this article, let me give you questions to ponder on:

1. (For the children) When was the last time you say to your parents that you love them and you are thankful for all the sacrifices that they have done for you?
2. (For the parents) When was the last time you hug or kiss your children and tell them that you care and love them, that they are the most precious gift you have ever received from God?
3. (For everyone) When was the last time that we say to God that we love Him above all things? Or did we ever prove to God that we love Him by loving our fellow humans, our brothers and sisters, and all the things that He has created?

About Me

My photo
i'm a person who loves to do many things!